Patay andg isang lalaking driver ng payong-payong, habang ang kasama nitong babae ay sugatan sa isang pamamaril na naganap sa Purok Poblacion 1, Tamontaka 4, Cotabato City, bandang 12:40 ng hapon.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Maula Isla Gadzali, ang nasawi, at Normina Kuyo Matar, ang sugatang babae.
Ayon sa mga paunang ulat mula sa PNP, habang binabaybay ng mga biktima ang kalsada sakay ng payong-payong, bigla silang nilapitan ng dalawang hindi kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril.
Dahil sa insidente, agad na binawian ng buhay si Gadzali, habang si Matar naman ay nagtamo ng mga sugat at dinala sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang mga suspek at malaman ang motibo sa pamamaril.
Hanggang ngayon, wala pang pahayag ang mga awtoridad kung ano ang dahilan ng insidente at kung may koneksyon ito sa ibang mga krimen sa lugar.