Patuloy ang kampanya ng mga awtoridad laban sa iligal na droga matapos maaresto ang isang babae sa isang buy-bust operation na isinagawa sa MB Tamontaka, Cotabato City.
Sa operasyon na pinangunahan ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) ng Cotabato City Police Office (CCPO) sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Tugaya G. Alfonso at superbisyon ni PCOL Jibin M. Bongcayao, nasakote ang isang babaeng suspek na kinilala lamang sa alyas na “Arlyn,” residente ng Nuro Upi, Maguindanao del Norte.
Katuwang ng CPDEU sa operasyon ang Police Station 1, 3, at 1404th MFC, RMFB 14-A.
Ayon sa mga awtoridad, bahagi ito ng pinaigting na kampanya upang labanan ang talamak na bentahan ng iligal na droga sa lungsod.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung may iba pang sangkot sa ilegal na aktibidad ng suspek. Samantala, hinimok ng mga awtoridad ang publiko na makipagtulungan sa kanilang kampanya upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.