Ipinagpaliban ng COMELEC o Komisyon sa Halalan ang pag-iimprenta ng mga balota na para sana sa gaganaping kaunaunahang Halalang Pangparliamentaryo sa BARMM na kasabay naman ng May 12 National and Local Elections ngayong taon.
Ang desisyon na ito ng poll body ay kasunod ng desisyon din ng Bicameral Conference Committee ng parehas na kapulungan ng kongreso na naglilipat ng halalan sa Oktubre 13, 2025.
Ayon kay Comelec Chairman Atty. George Erwin Mojica Garcia, ipinahinto nila ang pagemprenta ng mga balota dahil may mataas na chansa na maging batas ang naging panukala na naglilipat ng petsa ng nasabing halalan.
Ngunit ayon sa hepe ng Comelec, tuloy tuloy pa rin ang pagiimprenta ng mga balota para naman sa regular na halalan na magaganap naman sa Mayo 12.
Nasa 32 milyong balota aniya ang naimprenta ng National Printing Office na siyang katuwang ng poll commission na katumbas ng 42% na kabuuang kinakailangan para sa halalang magaganap sa Mayo 13.
Inaasahan na matatapos sa susunod na buwan ng Marso ang pagiimprenta ng nasabing mga balota at isusunod naman ang beripikasyon ng mga balota sa darating naman na Abril.