Nakatutok na ang surveillance team ng Cotabato City Health Office sa mga barangay na may naitatalang kaso ng nakamamatay na Dengue Fever.

Ayon sa hepe ng CCHO na si Dr. Harris Ali, kabilang sa kanilang mga minomonitor ay ang Barangay Tamontaka, Bagua at ang Rosary Heights 10.

Dalawamput limang indibidual na nakatira sa lungsod ang naisugod sa pagamutan sa loob lamang ng isang buwan at dalawang linggo dahil lamang sa Dengue Fever.

Kumpiyansa naman si Dr. Ali sa pahayag nito na under control ng health sector ang bilang ng may sakit na Dengue sa lungsod.

Nanawagan na lang ito sa publiko na manatiling malinis sa paligid at huwag maging salaula sa lahat ng oras at tanggalin ang alinmang bagay na paboritong pamugaran ng lamok gaya ng plorera, mga nakatambak na tubig at paminggalan.