Sampung barangay sa Cotabato City ang isinailalim sa Orange Category o Areas with Immediate Security Concern, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Kabilang sa mga lugar na ito ang Bagua 3, Poblacion 5 at 6, Rosary Heights 10, 11, 12, at 13, MB Kalanganan, at Kalanganan 1 at 2. Ang mga barangay na ito ay mahigpit na babantayan ngayong May Elections upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa pagboto.

Samantala, ang iba pang barangay sa lungsod ay nasa ilalim ng Yellow Category o may Security Concerns, ngunit walang naitalang lugar na nasa Red Category o may matinding banta sa seguridad.

Ayon kay Cotabato City Police Office (CCPO) Director PCOL Jibin Bongcayao, nakabatay ang klasipikasyong ito sa mga naitalang insidente noong mga nakaraang halalan. Tiniyak din niya na patuloy ang seguridad upang maiwasan ang anumang kaguluhan sa darating na halalan.