Pinuna ni Committee on Public Safety, Peace and Order Chairman Konsehal Gabby Usman ang tila kahinaan sa sistema at implementasyon ng mga alituntunin patungkol sa kapayapaan at kaayusan sa lungsod.
Ito ay kasunod ng kautusan ni Mayor Bruce Matabalao na nagbabawal sa mga riding-in-tandem na parehong lalaki sa lungsod.
Ayon kay Usman, maaaring malagay sa alanganin ang mga mamamayan dahil sa diumano’y padalos-dalos na pagpapatupad ng mga security measures.
Binatikos din ng konsehal ang hindi pagdaan ng naturang kautusan sa Sanggunian Panlungsod, partikular sa ilalim ng kaniyang kumite.
Dahil dito, kaniyang sisiyasatin ang nilalaman ng kautusan at iaakyat ito sa plenaryo ng konseho para sa masusing talakayan.