Patay ang isang patrolwoman matapos na barilin ito ng kapwa ding babae na pulis sa bahagi ng Islamic City of Marawi, Lanao del Sur. Kinilala ang napatay na pulis na si Patrolwoman Amerah Mamayandug, residente ng Making sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte habang ang suspek na kinilala lamang na Patrolwoman Langgay ay taga Balindong sa Lanao Sur.
Base sa paunang tala ng kapulisan, nagugat sa mainit na pagtatalo ng dalawa ang pamamaril ng suspek.
Laking gulat na lamang aniya mga kasama nito na nakarinig sila ng putok ng baril at dito na nila nakita na nadisgrasya na si Mamayandug.
Dead on arrival sa ospital si Mamayandug habang sugatan naman si Patrolwoman Langgay.
Haharap sa salang pagpatay sa kabaro na si Mamayandug ang suspek na si Langgay.