Nabigla ang mga low-lying areas sa probinsya ng Maguindanao del Sur matapos na salantain ito ng biglang pagbaha o flash-floods.
Sa panayam ng Star FM Cotabato kay Bangsamoro READi Emergency Operations Chief Jofel Delicana, base sa tala ng mga apektadong bayan sa pamamagitan ng mga Disaster Risk and Reduction Councils nito, apektado ng biglang pagbaha ang Datu Piang, Datu Salibo, Gen SK Pendatun, Mamasapano at Datu Abdullah Sangki.
Ayon sa datos na ibinahagi ni Delicana sa Star FM Cotabato, halos 7k na mga residente na ang apektado mula sa bayan ng Datu Piang at may mga naitala naring nasilikas mula sa nasabing bayan dahil sa patinding pagbaha.
Sa danyos o mga damages na naitala, wala pang naiuulat sa opisina ng BANGSAMORO READi ang mga naturang DRMMO’s.
Samantala, hindi pa mairerekomenda o maisusuggest ng BANGSAMORO READi ang pagdedeklara ng State Of Calamity sa mga bawat LGU’s sapagkat case to case ito o depende sa sitwasyon o pangangailangan nito
Bukod rito, sinabi pa ni Delicana na nakapaloob din sa naunang deklarasyon ng state of calamity hinggil sa nanalasang El Niño at ito epektibo pa rin hanggang ngayon.
Sa kabilang dako, pinalalahanan naman ni Delicana ang mga mamamayang nabahaan na gawin nila ang nararapat na pagkilos bago at matapos ang pananalasa ng baha sa kanilang pamamahay.
Aniya, dalawang aspeto ang kanilang tinitignan una ay sa Pamahalaan na pagsagawa ng protocols at monitoring sa kanilang mga sakop, pangalawa ay sa MDRRM na syang namumuno sa coordinasyon sa mga barangay at rescue teams at panghuli ay sa pamilya naman ay ang monitoring sa kanilang pamamahay at pakikinig sa mga balita, paghahanda ng mga kagamitan at pakikinig sa mga autoridad sa oras na sila ay pinapalikas na tungo sa ligtas na lugar.
Nang matanong si Delicana hinggil sa mga Go Bags na kailangan sa oras ng emerhensiya, sinabi nito na nasa kamay na ng bawat pamilya na bumuo nito at mga LGU ang pamamahagi at pagkampanya nito sa kani kanilang mga sakop na pamilya.
Ang Go Bag ay isang bagahe na naglalaman ng mga pangunahing mga pangangailangan sa oras ng kalamidad kabilang na ang pagkain, tubig, flashlight, mahahalagang dokumento at iba pang mga pangangailangan ng isang pamilya.