Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa Ibutigen, Sultan Kudarat bandang 10:00 ng umaga, Marso 3, 2025.

Kinilala ang biktima na si Pio Valenzuela, isang residente ng Poblacion 2, Pigcawayan, Cotabato. Ayon sa ulat, huli siyang nakita noong Sabado, Marso 1, 2025, bago tuluyang mawala.

Kinumpirma ng Sultan Kudarat Municipal Police Station ang insidente at tinatayang dalawang araw nang patay ang biktima bago ito natagpuan.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang salarin at ang motibo sa krimen.

Hinihikayat ng pulisya ang sinumang may impormasyon kaugnay sa insidente na lumapit sa mga awtoridad upang mapabilis ang imbestigasyon.