Nilinaw ni Moro Vlogger Shaha Meta na hindi siya ang nagdesisyong kanselahin ang kanyang pagpunta sa Cotabato City kundi ang mismong brand na nag-imbita sa kanya. Ayon sa brand na nag-invite sa vlogger, ang dahilan ng pagkansela ay ang kasalukuyang sitwasyon sa lungsod.
Sa naging komento ng vlogger sa isang artikulo na inilathala ng 93.7 Star FM Cotabato, sinabi niyang wala siyang magagawa dahil hindi siya ang nagdesisyon kundi ang brand mismo.
“Hindi po ako yung nag-cancel ng event, reason is because of the situation daw. Wala po ako magagawa if yung brand mismo ang nag-cancel na,” Ang naging komento ni Shaha Meta.
Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag mula sa nasabing brand tungkol sa dahilan ng pagkansela ng event ni Shaha Meta sa Cotabato City.