Nauwi sa tensyon at rambulan ang isang insidente sa Cotabato City matapos na magpakita ng suporta ang isang lalaki kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM), na agad namang ikinagalit ng ilang tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Naganap ang insidente nitong gabi ng Martes, Marso 11, 2025.
Ayon sa mga ulat, bigla na lamang sumigaw ng “BBM!” ang isang lalaki, na agad umanong ikinainit ng ulo ng ilang Duterte supporters. Sa gitna ng tensyon, nauwi ito sa mainitang pagtatalo at kalaunan ay rambulan ng ilang kabataan sa lugar.
Nagkaroon ng kaguluhan bago pa man nakontrol ang sitwasyon ng mga awtoridad. Patuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa insidente upang matukoy ang mga sangkot at mapanagot ang mga nagpasimula ng gulo.