Inilabas na ng mga awtoridad ang pinakabagong listahan ng mga lugar at bayan na may election risk factors sa rehiyon, batay sa datos na nalathala noong Marso 11, 2025.

Sa ipinakitang mga slides, inilahad ang apat na klasipikasyon ng antas ng panganib sa halalan, na nakabatay sa kulay: berde, dilaw, kahel (orange), at pula.

Mga Bayan sa Dilaw na Kategorya (Moderate Risk):

  • Datu Anggal Midtimbang
  • Datu Montawal
  • Datu Salibo Pendatun (DSK Pendatun)
  • Pagalungan
  • Talayan

Mga Bayan sa Kahel o Orange na Kategorya (High Risk):

  • Ampatuan
  • Datu Abdullah Sangki
  • Datu Hoffer
  • Datu Paglas
  • Datu Salibo
  • Datu Saudi Ampatuan
  • Datu Unsay
  • Guindulungan
  • Mamasapano
  • Mangudadatu
  • Paglat
  • Pandag
  • Rajah Buayan
  • Shariff Saydona Mustapha
  • South Upi
  • Sultan sa Barongis

Mga Bayan sa Pula na Kategorya (Highest Risk):

  • Buluan
  • Shariff Aguak
  • Datu Piang

Ayon sa mga awtoridad, ang mga lugar na nasa Red Category ay itinuturing na may pinakamataas na antas ng panganib bunsod ng mga naitalang insidente ng karahasan, presensya ng armadong grupo, at iba pang banta na maaaring makaapekto sa kaayusan ng halalan.

Tiniyak naman ng mga security forces na magpapatuloy ang kanilang mahigpit at maigting na pagpapatupad ng mga patakarang pang-seguridad upang hindi mapagsamantalahan ng masasamang elemento ang eleksyon, at upang matiyak ang mapayapa, maayos, at ligtas na halalan sa darating na Mayo 2025.