Mapanindigang sinabi ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito “Charlie” Galvez Jr. na ang naganap na pagpapalit ng pamunuan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay alinsunod sa mga probisyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) at ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).

Ayon kay Galvez, ang naturang proseso ay naaayon at nakasaad sa mga itinatakda ng dalawang nabanggit na kasunduan at batas.

Kaugnay nito, hinimok ni Galvez ang lahat na magpatuloy sa pagkakaisa upang isulong ang kapayapaan at kaunlaran sa BARMM region.

Ipinahayag ito ng kalihim sa isang pulong kasama ang 19 na base commanders ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) nitong nagdaang weekend.

Sa naturang pulong, natalakay ang magiging daloy ng transition o paglipat ng pamumuno sa rehiyon, pati na rin ang patuloy na implementasyon ng normalization program na bahagi ng CAB.