Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), maaari nang sumali sa mga gawaing politikal at kampanya ang lahat ng mga halal na opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) para sa nalalapit na halalan sa May 12, 2025.
Batay ito sa COMELEC Minute Resolution No. 24-1001, na nagpapaliwanag na hindi na kabilang sa pagbabawal ang mga halal na opisyal, alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing ang limitasyong ito ay para lamang sa mga kawani ng serbisyo sibil.
Gayunpaman, ipinagbabawal pa rin sa mga opisyal ang panghihingi ng donasyon sa mga residente at anumang gawain na labag sa Omnibus Election Code.
Bukod dito, mahigpit ding ipinagbabawal ang paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kampanya, at ang sinumang lalabag dito ay mananagot sa batas.
Ang opisyal na campaign period para sa mga lokal na posisyon ay magsisimula sa March 28 at magtatapos sa May 10, 2025.