Posibleng lumawak pa ang kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) kung mapatutunayang may kinalaman ang kanyang kampo sa mga troll na nang-aatake sa mga biktima at kanilang mga abogado sa social media.
Ayon kay ICC Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti, maaaring ipakita sa korte ang mga naturang pag-atake bilang ebidensya.
“We can tell the court that there are attacks, etc. One, as a manifestation. Second, as a possible additional… offenses against the administration of justice,” ani Conti.
Sa kasalukuyan, nakakulong si Duterte sa The Hague, Netherlands, kung saan haharap siya sa paglilitis kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa madugong kampanya kontra droga noong kanyang administrasyon.