Nagpatupad ng Alpha Emergency Preparedness and Response (EPR) Protocol ang Bangsamoro Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC) kaugnay ng epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao.

Batay sa abisong inilabas ng Bangsamoro DRRM Operations Center nitong Marso 23, 2025, ang desisyong ito ay kasunod ng isinagawang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) sa pamamagitan ng Zoom online platform.

Pinaiigting ng BDRRMC ang koordinasyon sa lahat ng Provincial, City, at Municipal DRRM Councils at iba pang ahensya, partikular sa mga lugar na may mababang lupain at madaling maapektuhan ng landslide, tulad ng Lanao del Sur, Basilan, at Tawi-Tawi.

Kabilang sa mga dapat gawin ng mga kinauukulan ay: Pagsasagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA), pagsubaybay sa mga babala at pagbibigay ng abiso sa mga komunidad at stakeholders, pagmomonitor ng pagtaas ng tubig sa mga ilog at sapa, pagpapaalala sa mga residente malapit sa kabundukan at mabababang lugar, paghahanda ng mga standby resources, paghahanda sa posibleng mas malalang epekto ng kalamidad.

Ayon kay Hon. Abdulraof A. Macacua, Interim Chief Minister ng BARMM at Chairperson ng BDRRMC, kailangang agad ipasa sa Bangsamoro READi ang anumang ulat hinggil sa sitwasyon sa mga apektadong lugar sa kanilang tanggalan.

Pinirmahan din ang abiso ni Atty. Datu Hamil M. Abas, Designated Head ng Bangsamoro READi, bilang pagpapatupad ng mahigpit na paghahanda sa posibleng epekto ng ITCZ sa rehiyon.