Ngayong araw, Martes Abril 8, 2025 magbubukas ang ikaapat na regular na sesyon ng Bangsamoro Transition Authority o BTA sa bulwagan nito sa Bangsamoro Government Center sa lungsod ng Cotabato.
Ito na rin ang maiden session na dadaluhan ng 78 na bagong kasapi ng Bangsamoro Parliament na nanumpa kay President Ferdinand Marcos Jr. nitong nakaraang buwan.
Ang mga ito ay manunungkulan hanggang sa darating na Oktubre 2025 o bago ang kaunaunahang Parliamentary Elections ng rehiyon.
Samantala, dalawang bakanteng pwesto sa parliamento ang hinihintay na lang na mapunan ng mismong appointing authority na si PBBM.
Sa unang sesyon ngayong araw, inaasahan na matatalakay at maipapasa ang mga mahahalagang panukalang batas partikular na ang Bangsamoro Revenue Code na kabilang sa mga prayoridad na ipasa bilang batas Bangsamoro.