Isang magnitude 5.8 na lindol ang yumanig sa Sarangani Province ngayong Miyerkules ng umaga, Abril 16, 2025, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).‎‎

Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol alas-5:42 ng umaga na may epicenter sa layong 42 kilometro timog-kanluran ng Maitum, Sarangani, at may 10 kilometrong lalim.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.‎‎Naramdaman ang pag-uga sa ilang bahagi ng Mindanao:‎‎

Intensity IV sa mga lugar sa Sarangani, South Cotabato, at Sultan Kudarat‎‎.

Intensity III hanggang I sa General Santos City, Koronadal, Davao City, at ilang bahagi ng Bukidnon.‎‎

Nagbabala ang Phivolcs na maaaring magkaroon ng mga aftershock at posibleng mga pinsala, habang nagpapatuloy ang masusing monitoring ng mga kaukulang ahensya.