Paunti-unti at may kahinaan pa rin ang daloy ng mga pasaherong sumasakay sa mga pampasaherong van ngayong Mahal na Araw.
Sa panayam ng Star FM Cotabato kay Mr. Ramsel Manuago, tagapagsalita ng Cotabato Transport Operators Service Cooperative o COTOCO, sinabi nitong mas mababa ang bilang ng pasahero ngayong Huwebes Santo kumpara sa naitalang dami noong Miyerkules Santo.
Gayunpaman, umaasa ang COTOCO na muling dadami ang mga pasahero sa mga susunod na araw, partikular na sa Linggo ng Pagkabuhay at sa Lunes, kung kailan inaasahang magbabalikan na ang mga biyahero sa lungsod at mga karatig-lugar.
Nagpaalala rin ang COTOCO sa lahat ng mga pasahero na maging mapagmatyag sa kanilang mga gamit at laging ingatan ang sarili upang maiwasan ang abala at hindi kanais-nais na insidente sa biyahe.
Bukas ang kanilang operasyon sa buong linggo bilang bahagi ng kanilang serbisyo para sa mga pasaherong uuwi o magbabalik-lungsod ngayong Semana Santa.