Isang buhay ang nawala at apat ang sugatan sa isang malagim na banggaan ng dalawang motorsiklo sa National Highway, Inambusan, Barangay Bolebak, Lebak, Sultan Kudarat, bandang alas-3:30 ng hapon noong Abril 27, 2025.

Ayon sa unang imbestigasyon, sangkot sa insidente ang isang itim na Honda XR 125, minamaneho ni Aurelio P. Castro, 64 anyos, residente ng Barangay Christianuevo, na may angkas na asawa niyang si Merlina A. Castro, 56 anyos. Ang kasalubong na motorsiklo ay isang itim na Baja, na minamaneho ni Edgar M. Mauanay Jr., 29 anyos, kasama ang dalawang angkas na sina Keavin Jay B. Nieles, 17 anyos, at Jhon First I. Elevencione, 21 anyos, pawang taga-Lebak.

Habang binabaybay ni Castro ang kalsada papuntang Barangay Christianuevo, naglalakbay naman si Mauanay mula Barangay Bolebak patungong Barangay Poblacion. Sa isang pababang kurbada, nawalan ng kontrol si Mauanay at napunta sa kabilang linya, kaya’t direktang bumangga sa motorsiklo ni Castro.

Dahil sa lakas ng impact, parehong nasira ang dalawang motorsiklo at nagtamo ng matinding pinsala ang mga saksi. Agad silang isinugod sa ospital, ngunit idineklara ring dead on arrival si Aurelio P. Castro. Samantalang si Merlina Castro ay nagtamo ng sugat sa kanang kilay at pasa sa ulo.

Ang tatlong saksi sa kabilang motorsiklo, sina Mauanay at ang kanyang mga angkas, ay nagtamo rin ng mga sugat at pinsala at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Nasa kustodiya ng mga awtoridad ang dalawang motorsiklo habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang mga detalye ng pangyayari.