Nagkaroon ng aberya sa bilangan gabi noong araw ng eleksyon matapos madiskubreng nadoble ang halos 5 milyong boto sa central server ng Comelec.
Ayon sa mga ulat, ito’y dahil sa pagkakamali sa data consolidation na nakaapekto sa libu-libong presinto.
Bandang alas-dos ng madaling-araw noong Lunes, naglabas ng naiwastong files ang Comelec matapos alertuhan ng media ang kanilang IT team.
Isa sa mga labis na naapektuhan ay si reelectionist Senator Bong Go na nabawasan ng higit 5 milyong boto, pero nananatiling nangunguna.
Napanatili naman ang 12 nangungunang senatorial candidates, kahit may mga nagpalitan ng pwesto gaya nina Marcoleta at Lacson.
Kabuuang 15,001 na presinto at higit 39,000 kandidato ang apektado, kabilang na ang mahigit 1,400 posisyong iisa lang ang mananalo.
Tinatayang 7,600 kandidato ang naapektuhan ang ranggo.
Humihiling ngayon ng paliwanag at mas mataas na transparency ang mga watchdog at media hinggil sa naturang system error.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.