Bumagsak sa -1.3% ang inflation rate sa Bangsamoro nitong Abril 2025, mula sa 0.2% noong Marso, ayon sa PSA. Nanatili itong ikalawang pinakamababa sa buong bansa.

Paliwanag ni PSA-BARMM Regional Director Engr. Akan Tula, bumaba ang presyo ng pagkain, inumin, at serbisyo sa mga kainan at akomodasyon. Kabilang sa mga nagpatuloy ng deflation ay ang cereals, gasolina, kamote, saging, karne ng manok, at diesel.

Dagdag ni Tula, ang negative inflation ay maaaring dulot ng labis na suplay o mahinang demand, na pwedeng magdulot ng bawas-sahod o trabaho, pero pabor sa mga may ipon.

Sa mga probinsya ng BARMM, pinakamababa ang inflation sa Maguindanao na may -3.4%, habang Cotabato City bumaba pa sa -2.1%.

Patuloy ang pagsisikap ng rehiyon na mapanatiling abot-kaya ang mga bilihin para sa Bangsamoro.