Kinumpirma ng Municipal Health Office (MHO) ng Tboli na may naitalang dalawang (2) hinihinalang kaso ng monkeypox o mpox sa kanilang bayan noong Biyernes, Mayo 16, 2025.
Ayon sa inilabas na abiso, agad na isinailalim sa isolation ang mga pasyente upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit. Kasalukuyan ding mino-monitor ng MHO ang mga nakasalamuha ng mga pasyente at ipinatutupad na ang mga itinakdang health protocols laban sa mpox.
Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Tboli na aktibo silang nagsasagawa ng mga hakbang bilang tugon sa banta ng monkeypox, kabilang na ang contact tracing at pagpapatupad ng mga kaukulang panuntunan sa kalusugan.