Mariing itinanggi ni Chief Minister Hon. Abdulraof A. Macacua ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang mga paratang laban kay Special Assistant to the President Antonio F. Lagdameo Jr. kaugnay ng umano’y pagpigil sa mga residente ng Datu Odin Sinsuat na bumoto.

Sa isang opisyal na pahayag nitong Mayo 19, 2025, nilinaw ni CM Macacua na walang katotohanan ang alegasyon laban kay SAP Lagdameo at iginiit na wala siyang nakita ni anumang kilos o utos mula rito na nagpapakita ng panghihimasok sa halalan.

Ayon sa kanya, ang presensya ng mga pulis sa nasabing bayan noong eleksyon ay tugon sa hiling ng mismong komunidad dahil sa pangamba sa posibleng kaguluhan. Layunin nito ang masigurong makaboboto ang lahat nang malaya at ligtas.

Dagdag pa ni CM Macacua, iginiit niya ang respeto ni Lagdameo sa awtonomiya ng Bangsamoro at sa liderato nito, palaging suportado at hindi nangingialam.