Isang malaking karangalan para sa Bangsamoro Region ang ipinamalas na husay at talino ng tatlong bagong guro sa nagdaang March 2025 Licensure Examination for Professional Teachers (Elementary Level).
Nanguna si Jamaema Hiluano Mustapha mula sa Mindanao State University (MSU) – Maigo School of Arts and Trades na sinundan ni Raeiden Mohammad Pango mula sa MSU – Iligan Institute of Technology, na kapwa nagtala ng pinakamataas na marka sa nasabing pagsusulit.
Hindi rin nagpahuli si Rasida Nie Wanin mula sa MSU – Maguindanao, na nakapasok sa Top 10 bilang Top 9.
Ang kanilang tagumpay ay patunay nang kalidad ng edukasyon at dedikasyon ng mga guro mula sa Bangsamoro.
Ang pagsabak nila sa propesyon bilang mga guro ay isang malaking ambag sa pagpapalaganap ng edukasyon sa rehiyon at sa buong bansa.
Muli, ipinagmamalaki natin ang mga bagong guro na ito na magbibigay-inspirasyon sa kabataan ng Bangsamoro na magsikap at mangarap.