Hiningian ng Star FM Cotabato ng komento si MP Atty. Naguib Sinarimbo kaugnay sa pagtutol ng MILF sa mga bagong itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Bangsamoro Parliament nitong Marso.

Ayon kay Sinarimbo, nakasaad Bangsamoro Organic Law kung saan s’ya ay legal counsel na rekomendasyon ang papel ng MILF sa pagtatalaga ng mga miyembro ng Parliament.

Dagdag pa n’ya, nasa pangulo pa rin ang kapangyarihan na mag-appoint ng sinumang nais niya, at hindi maaaring ipilit ng MILF ang rekomendasyon nito.

Malinaw aniya sa batas na ang huling pasya ay nasa presidente.

Gayunpaman, nananatili pa ring MILF ang namumuno sa transitional government sa katauhan ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.