Pinaigting ng Bangsamoro Government ang mga programa para sa kapakanan ng mga batang Bangsamoro sa ilalim ng Regional Plan of Action for Children at Juvenile Intervention Program.
Layon nitong masigurong naipapatupad ang karapatan ng kabataan sa proteksyon, edukasyon, at maayos na kinabukasan.
Giit ng MSSD, mahalagang masukat ang epekto ng mga programa at matukoy ang mga kailangang baguhin para tumugma sa pambansang plano.
Sa isinagawang workshop, tinalakay din ang hamon sa kakulangan ng children’s courts sa rehiyon.
Kabilang sa mga panukala ang pagtatatag ng family at children’s courts sa bawat lalawigan ng BARMM.
Bahagi ito ng layunin ng gobyerno na magtaguyod ng ligtas, makatarungan, at inklusibong kinabukasan para sa mga batang Bangsamoro.