Pangunahing dahilan umano ang Rido sa Bayan sa Sultan Kudarat, sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte, kung bakit umaatras ang mga negosyante na maglagak ng investments sa bayan.

Ito ang inihayag ni Vice Mayor Shameem Mastura sa naging pulong balitaan kasabay ng rin ng pormal na pagbubukas ng 77th Foundating Anniversary sa nasabing bayan.

Aniya, kung tuluyan nang matigil ang awayan ng mga pamilya o ang rido sa bayan ay tiyak na papasok ang mga investors dito.

Binigyan diin pa ng Bise Alkalde, ang pagtutulungan ng bawat isa upang ma-neutralize ang rido sa lugar na siyang pangunahing banta sa mas progresibong Sultan Kudarat sa socio-economic aspect.