Lumalabas sa isang pagaaral noong 2019 na ang mga paputok maging mga pailaw ay naglalabas o emit ng air pollutants tulad ng metal salt na nakakapinsala sa paghinga ng tao maging sa paligid nito.
Ayon kay MP Ampatuan, ang layunin ng naturang pagbabawal ay upang matiyak ang ligtas, maayos, mapayapa at okay na pagdiriwang na walang pangamba na may mamamatay o masasaktan o mababawasan ng kahit anong parte ng katawan.
Ang sinumang lalabag sa naturang batas kung ito man ay makalulusot ay pagmumultahin ng 10k sa una, 30k sa pangalawa at 50k sa huli at mga kasunod pang paglabag.
Kung maisasabatas ang nasabing panukala, ang PNP ang mangangasiwa at magpapatupad nito.