Aabot na sa isandaan apat naput walong libo (148K) na pamilya ang apektado ng malawakang pagbaha sa rehiyong Bangsamoro.
Sa pinakahuling datos na naitala mula sa BARMM Operations Center, nasa 391 na barangay mula sa Maguindanao del Sur at Norte, Lanao Sur at SGA-BARMM ang naapektuhan ng oagbaha ayon kay BARMM Spokesperson Mohd Asnin Pendatun.
Lubos na naapektuhan ngayon ang siyam na libo na magsasaka matapos na masira ang mahigit sa walong libo na ektarya ng pananim na nagkakahalaga ng 149 na milyong piso.
Hindi rin sinanto ng baha ng palubugin nito ang ilang mga paaralan.
Bagaman at mabilisan na ang pamamahagi ng tulong mg ibat ibang ahensya sa mga residenteng biktima ng pagbaha, ilan sa mga sibilyang pansamantalang nanunuluyan sa gilid ng daan ay nanghihingi na rin ng limos sa mga nadaang motorista.
Samantala, pinaiimbestigahan naman ngayon ng BARMM Government ang mga impormasyon na lumalabas na ang talamak daw di umano na illegal logging sa Maguindanao Norte at Lanao Sur ang dahilan kung kayat binaha at nagkalandslide ang mga lugar na nabanggit.