Ipinahayag ni Ministry of the Interior and Local Government (MILG) – BARMM Minister Atty. Sha Elijah Dumama-Alba ang kaniyang kahandaang humarap sa imbestigasyon kaugnay ng umano’y maanomalyang procurement ng bigas na nagkakahalaga ng P680 milyon.
Sa press conference, binigyang-diin ni Dumama-Alba na wala umanong iregularidad sa proyekto at handa siyang ipakita ang mga dokumento upang patunayan ang pagiging maayos ng transaksyon. Giit pa ng opisyal, kung may imbestigasyon man, dapat isama rin sa pagbusisi ang pinagmulan ng kontrobersya.
“Kung iimbestigahan ang isyu, kailangan ding imbestigahan ang pinagmulan nito. Masyadong malawak at mabilis ang pagkalat ng impormasyon, umabot agad sa mga national media,” ani Dumama-Alba.
Aniya, lahat ng proseso ay dumaan sa legal at tamang procurement procedure.