Matapos na masalanta ng malawakang pagbaha ang mga residente ng Pagalungan Maguindanao del Sur noong nakaraang araw ay inilipat na ang mga apektadong residente sa evacuation center ng lugar.

Dahil sa maraming bilang ng mga evacues at apektado ng kalamidad, hindi lahat sa kanila ay agad na nabigyan ng tulong-ayuda ng pamahalaan at ang iba sa kanila ay sa gilid ng kalsada nalang namalagi.

May ilang mga apektado ng pagbaha na makikita sa gilid ng kalsada na nanglilimos o nanghihingi ng tulong sa mga tao na dadaan sa lugar.

Ayon sa mga saksi, hinihiling ng mga ito na maituwid lamang ang kanilang gutom dahil hindi pa nila mabalikan ang kani-kanilang mga bahay dahil sa nalubog ito ng tubig-baha.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagbibigay-tulong ng Bangsamoro Government sa pamamagitan ng Ministry of Social Services and Development o MSSD at ng Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa nasyonal ng lebel.

Una ng nangako ang Bangsamoro Government na hindi nila pabababayaan ang mga residente at pamilya na apektado ng malawakang pagbaha sa Bangsamoro Region.

Courtesy: ZM Mamasabulod