Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagbisita at pagtutok sa isinasagawang rehabilitasyon ng Dansalan Integrated School sa Marawi City.
Ang proyektong ito ay nakatuon sa pagtatayo ng sampung apat-na-palapag na gusali na inaasahang magsisilbing bagong silungan ng pagkatuto para sa humigit-kumulang 10,000 mag-aaral. Isa itong konkretong simbolo ng muling pagbangon ng Marawi mula sa bakas ng digmaan.
Para sa Bangsamoro, ang edukasyon ay hindi lamang karapatan kundi isang susi tungo sa tunay at pangmatagalang kapayapaan. Sa tulong ng national government at iba’t ibang katuwang na sektor, hindi lamang mga gusali ang muling itinayo kundi maging ang kinabukasan ng kabataang Bangsamoro.
Sa bawat batong inilalatag, sabay-sabay nating binubuo ang pundasyon ng isang mapayapa, maunlad, at may pag-asa na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).