Hindi basta-basta ang kalokohan ng limang African grey parrots sa Lincolnshire Wildlife Park sa England—kaya naman, muling pinaghiwa-hiwalay ng pamunuan ang mga ito matapos mapansing bumalik na naman sila sa pagmumura at pagtawa sa mga tao!
Ang mga bida sa viral na kwento ay sina Billy, Elsie, Eric, Jade, at Tyson—mga rescue parrots na unang nag-viral noong 2020 dahil sa kanilang colorful language. Matapos panandaliang ihiwalay, muli silang pinagsama nitong 2024 sa mas malaking flock, umaasang mawawala ang pagmumura. Pero baliktad ang nangyari: bumalik ang dirty talking at mas madalas pa nilang ginagawa ‘to sa harap ng mga bisita.
Ayon sa Lincolnshire Wildlife Park, tila nagkakahawaan ang mga ibon ng “bad words,” lalo na’t natatawa o nagugulat ang mga tao—na para sa kanila ay parang reward.
Dahil dito, pinasya ng park management na muling paghiwa-hiwalayin ang lima upang maiwasang maimpluwensyahan pa ang mahigit 200 pang parrots sa pasilidad.
Viral ulit sa UK ang mga parrot na ito at marami ang naaaliw—pero para sa mga caretaker, malaking hamon ito pagdating sa training at behavior control ng mga ibon.