Maagang rumampa sa sayawan ang mga pulis ng Cotabato City Police Office (CCPO) sa pangunguna ni PCOL Jibin M. Bongcayao, City Director, at PLTCOL Rey Marlon J. Bercasio, Deputy City Director for Operations, sa isinagawang “Zumba Para sa Kapayapaan” nitong ika-2 ng Hulyo, 2025, ganap na alas-5:30 ng umaga sa City Plaza, Poblacion 6, Cotabato City.

Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-30 Police Community Relations (PCR) Month na may temang “Sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis: Ligtas Ka.” Layunin ng Zumba session na hikayatin ang mga kawani ng PNP at iba pang stakeholders na panatilihin ang disiplina at magkaroon ng mas malusog na pamumuhay.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga kawani ng CCPO, mga Zumba enthusiasts, kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, at iba pang stakeholders na patuloy ang suporta sa kampanya ng kapulisan para sa isang mas ligtas at mas maayos na komunidad.