Ipinagmalaki ng Cotabato City Police Office (CCPO) ang kanilang mga naging tagumpay sa kampanya laban sa krimen para sa buwan ng Hunyo 2025, batay sa inilabas na ulat ng kanilang tanggapan.

Sa kabuuan, nakapagsagawa ang CCPO ng 21 anti-illegal drugs operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 28 katao. Umabot sa humigit-kumulang Php 769,224 ang tinatayang halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga mula sa nasabing mga operasyon.

Samantala, pitong operasyon naman ang ikinasa ng kapulisan kaugnay sa loose firearms na nagresulta sa pagkakaaresto ng 2 indibidwal, pagkakakumpiska ng 3 baril, at boluntaryong pagsuko o pagdeposito ng 5 iba pa.

Sa tuloy-tuloy na operasyon kontra sa mga wanted persons, 13 katao ang matagumpay na naaresto ng mga awtoridad.

Sa usapin naman ng shooting incidents, anim ang naiulat na nalutas na kaso habang isa pa ang patuloy na iniimbestigahan.

Pinangungunahan ni Police Colonel Jibin M. Bongcayao, ang City Director ng Cotabato City Police Office, ang pinaigting na operasyon bilang tugon sa direktiba ng pambansang pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa ilalim ng kampanyang #SaBagongPilipinasAngGustoNgPulisLigtasKa.