Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang ₱1.2 milyong halaga ng smuggled cigarettes sa isang operasyon ngayong araw sa Mother Barangay Poblacion, Cotabato City.
Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office – City Mobile Force Company (CMFC), dalawang indibidwal ang naaktuhang nagmamaniobra ng mga kahon ng kontrabando at pinaniniwalaang sangkot sa ilegal na bentahan ng sigarilyo.
Matapos ang pagkakasamsam, agad na inilipat ang mga nakumpiskang produkto sa gymnasium ng People’s Palace para sa masusing dokumentasyon.
Personal namang sinaksihan ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang isinagawang imbentaryo, bilang suporta sa pinaigting na kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa smuggling sa lungsod.