Kulong ngayon ang isang lalaki matapos nitong pagtatagain ang kanyang misis dahil lamang umano sa isyu ng โ€œscatterโ€ sa Green Heights, Brgy. Balulang, Cagayan De Oro City.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pinagtataga umano ng mister ang kanyang asawa sa mukha gamit ang isang samurai.

Napag-alamang nagalit ang suspek matapos siyang komprontahin ng kanyang misis nang mabawasan ng P350 ang e-wallet nito, na pinusta umano ng mister sa scatter. Dahil dito, nauwi sa mainitang pagtatalo ang mag-asawa.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o ang Violence Against Women and Their Children Act.