Isang kontrobersyal na kwento mula China ang kasalukuyang tinututukan sa buong mundo — ang kasong kinabibilangan ng isang 38-anyos na lalaki na nagpakilalang babae at nakilala online bilang “Red Sister.”

Ayon sa mga ulat mula Nanjing, Jiangsu Province, inaresto ang suspek na si Jiao dahil sa umano’y pakikipag-sex trade sa libu-libong lalaki — kabilang na ang ilang banyagang nationals — habang nakadamit-babae. Pinaniniwalaang ginagamit niya ang mga dating apps upang makilala ang mga biktima, at lihim ding kinukunan ang kanilang mga engkuwentro para ibenta online.

Ang mas ikinagulat ng publiko: tinawag na “high-quality men” ang marami sa mga biktima — mga guwapo, batang professionals, at gym-goers — at ayon sa mga ulat, ilang lalaki ay bumalik pa kahit nalaman na ang tunay na pagkatao ni “Red Sister.”

Ginagamit umano ni Jiao ang mga wig, make-up, filters, at voice-changer para magpanggap bilang isang may-asawang babae. Kapalit ng sex, humihingi lang siya ng simpleng mga bagay gaya ng prutas, peanut oil, tissue, at gatas.

Bagamat kinumpirma ng awtoridad na hindi totoo ang bilang na mahigit isang libo, patuloy ang imbestigasyon. Legal sa China ang same-sex relations, ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang pagkalat ng sexual content online.

Samantala, nag-viral ang istorya hindi lang sa China kundi sa buong mundo. Lumabas na rin ang mga memes, parody clips, at kahit mga AI-edited ads gamit ang imahe ni “Red Sister.” Isang TV star pa sa Hong Kong ang nakisali sa biro at sinabing, “Ako talaga ‘yon.”

Ngunit sa likod ng katatawanan, nababahala ang ilang eksperto dahil sa isyu ng privacy violation, unprotected sex, at ang mabilis na komersyalisasyon ng mga criminal cases. Ayon sa mga netizens, nagiging fashion at comedy trend na ang isang sensitibong krimen.

Habang patuloy ang pagkalat ng mga video online, napilitan ang ilan sa mga lalaki sa footage na umamin sa kanilang mga pamilya — kabilang ang isang lalaki na iniwan ng kanyang fiancée matapos siyang makilala sa isang leaked clip.