Lalong lumakas ang bagyong Crising matapos itong maging isang ganap na tropical storm mula sa dating tropical depression.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 335 kilometro sa silangan ng Echague, Isabela o 325 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan. Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyo ang lakad ng hangin na 65 kilometro kada oras, habang ang pagbugso ay umaabot ng hanggang 80 kilometro kada oras.

Dahil dito, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signals sa ilang bahagi ng bansa:

Signal No. 2

Batanes

Cagayan kasama ang Babuyan Islands

Hilaga at Silangang Isabela: Palanan, Ilagan City, Divilacan, Delfin Albano, Quezon, Tumauini, Maconacon, Santa Maria, Cabagan, San Pablo, Santo Tomas, San Mariano, Dinapigue

Apayao

Hilagang Kalinga: Tabuk City, Balbalan, Pinukpuk, Rizal

Hilagang Abra: Malibcong, Lacub, Lagangilang, Licuan-Baay, Danglas, Lagayan, San Juan, Tineg, La Paz, Dolores

Ilocos Norte

Hilagang Ilocos Sur: Cabugao, Sinait

Signal No. 1

Natitirang bahagi ng Isabela

Quirino, Nueva Vizcaya

Natitirang bahagi ng Kalinga, Abra

Mountain Province, Ifugao, Benguet

Natitirang bahagi ng Ilocos Sur, La Union

Hilagang Pangasinan: San Nicolas, Tayug, Dagupan City, Alaminos City, at iba pa

Hilagang Aurora: Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora

Hilagang-silangang Nueva Ecija: Carranglan, Pantabangan

Polillo Islands, Camarines Norte, Catanduanes

Hilagang-silangang Camarines Sur: Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Presentacion, Tinambac, Siruma, Goa

Patuloy na pinaaalalahanan ang publiko na maghanda laban sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga bulubunduking lugar.