Isang guro mula sa isang kilalang kolehiyo sa bayan ng Midsayap, North Cotabato ang suwerteng nakaligtas sa tangkang pamamaril na naganap ngayong umaga, Hulyo 18.

Batay sa inisyal na ulat, sakay umano ng kanyang sasakyan ang biktima at binabagtas ang bahagi ng Poblacion 5 nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa kabila ng insidente, walang natamong sugat ang guro. Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Midsayap Municipal Police Station upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at alamin ang motibo sa krimen.