Timbog ang dalawang hinihinalang High-Value Target (HVT) sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon July 21, 2025 sa ND Avenue, Barangay Martinez, Poblacion 4, Cotabato City.

Ayon kay PDEA BARMM Director Gil Cesario P. Castro, kinilala ang mga naaresto sa alyas na Jomer, 31 anyos, driver, at Abubakar, 31 anyos, magsasaka. Pareho silang may asawa at residente ng lungsod.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang (5) pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 250 gramo, buy-bust money, isang (1) cellphone, dalawang (2) brown wallet, at mga identification cards.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na may kaukulang parusang habambuhay na pagkakabilanggo.

Pinangunahan ng PDEA Maguindanao del Norte Provincial Office ang operasyon, katuwang ang PDEA Maguindanao del Sur, PDEA Lanao Provincial Office, Regional Special Enforcement Team (RSET), Land Interdiction Unit, PNP Maritime Group, Cotabato City Police Office – City Intelligence Unit (CCPO-CIU), Police Station 1, at City Mobile Force Company (CMFC).