Umabot sa ₱96.90 milyon ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng Bagyong Crising at patuloy na pag-iral ng Habagat (Southwest Monsoon), ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture (DA).

Tinatayang nasa 6,037 ektarya ng mga taniman ang naapektuhan, na nagresulta sa 2,236 metric tons na kabuuang volume loss. Apektado rito ang 4,665 na magsasaka at mangingisda sa iba’t ibang rehiyon.

Batay sa datos ng DA, nasa 97.17% ng kabuuang pinsala ay mula sa sektor ng palay, habang ang natitira ay mula sa high value crops, mais, at mga alagang hayop.

Kabilang sa mga pinakaapektadong lugar ang mga lalawigan ng Palawan, Occidental Mindoro, Negros Occidental, Tarlac, at Cagayan.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang assessment ng DA sa iba pang mga lugar na nakaranas ng epekto ng bagyo at habagat.