Sinimulan na ng Cotabato City Local Government Unit (LGU) ang konstruksyon ng mga bagong stalls o pwesto para sa mga manininda ng pagkain sa loob ng Cotabato City Plaza.
Ayon sa inilabas na disenyo, magkakapareho na ang magiging hitsura ng mga stalls upang maging mas organisado, malinis, at kaaya-ayang tignan ang kabuuan ng lugar.
Matatandaang una nang ipinahayag ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang pagbabawal sa mga nagkalat na manininda sa plaza bunsod ng kakulangan sa disiplina at maayos na pamamahala sa kalinisan.
Kasabay ng paggawa ng mga bagong pwesto, maglalatag din ng mga panibagong regulasyon ang pamahalaang lungsod.
Mahigpit itong ipatutupad upang matiyak na mapananatili ang kaayusan at kalinisan sa isa sa mga pangunahing pampublikong espasyo ng lungsod.