May kanya-kanyang katangiang pisikal ang bawat tao — sa mukha man o sa ibang bahagi ng katawan.
Gaya na lamang ng isang Japanese internet celebrity na si @Jonouchich1, na sumikat online dahil sa kanyang kakaibang katangian: isang mahaba at matulis na baba, na animo’y sandata sa talas.
Dahil dito, madalas siyang pagkumparahan sa mga anime characters na may matulis at pambihirang hitsura. May mga nagsasabi pang tila kaya niyang makipaglaban gamit ang kanyang baba lamang!
Bagamat madalas siyang batikusin at pagtawanan, ginamit ito ni Jonouchich bilang paraan upang mapansin at makilala online.
Marami sa kanyang followers ang nag-udyok na magpa-X-ray siya upang malaman ang dahilan ng kanyang kakaibang anyo — bagay na agad niyang sinunod.
Ayon sa mga doktor, ngayon lang sila nakakita ng ganoong klase ng anyo ng baba, at posibleng may kinalaman ito sa genetic mutation. Gayunpaman, hindi nila tiyak ang dahilan.
Si Jonouchich naman ay may sariling hinala — aniya, dahil daw sa hilig niyang uminom ng gatas, baka raw lahat ng calcium sa katawan niya ay napunta sa kanyang noo. Subalit agad itong itinanggi ng mga eksperto bilang siyentipikong basehan.
Sa kabila ng mga pangungutya at pagiging reject ng ilang babae, niyayakap ni Jonouchich ang kanyang pagkakaiba at itinuturing itong isang natatanging asset.