Sugatan ang isang barbero matapos siyang saksakin ng kanyang kustomer na umano’y hindi nagustuhan ang gupit na ginawa sa kanya.

Naganap ang insidente sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City, kung saan bigla na lamang inundayan ng saksak ng suspek ang barbero dahil umano sa pagkadismaya sa resulta ng kanyang haircut.

Ayon sa suspek, uminit ang kanyang ulo matapos hindi sundin ng barbero ang nais niyang estilo ng buhok.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang 27-anyos na suspek matapos ang insidente.

Samantala, nagpahayag ng kagustuhang magsampa ng kaso ang biktima laban sa naturang kustomer.