Sa 6th State of the Bangsamoro Youth Address (SOBYA) ng Bangsamoro Youth Commission (BYC), nagpahayag si Senadora Risa Hontiveros ng kanyang pagsaludo sa kabataang Bangsamoro na mas pinipiling maglingkod sa kanilang komunidad, na ayon sa kanya ay taglay ang tapang na kailangan ng mamamayan.
Bilang kaalyado at kaibigan ng Bangsamoro sa Senado, sinabi ni Hontiveros na kabilang siya sa mga may matinding hangarin para sa kapakanan ng rehiyon.
Binigyang-diin niya na nasa kamay ng kabataan ang susi sa pagbabagong matagal nang pinapangarap ng bawat Bangsamoro.
Tiniyak din ng senadora na patuloy niyang isusulong ang mga programang magbibigay ng hanapbuhay at magtataguyod ng healthy buhay para sa mga mamamayan ng rehiyon.
Dagdag pa niya, mananatili siyang nakabantay laban sa mga tiwaling opisyal at mapang-abusong gumagamit ng kaban ng bayan, upang makamit ang Sustainable Development Goals (SDGs) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).