Pormal nang naghain ng kandidatura nito sa pagka Parliamentary District Representative ng SGA BARMM ang tumayong legal counsel ng 21 na miyembro ng MILF na naaresto ng mga otoridad sa bayan ng Pigcawayan at nasundan pa ng paglaya ng kumander na si Tarzan Dagadas na si Atty. Allanudin Hassan.
Naghain ng kanyang COC si Atty. Hassan kahapon sa Comelec SGA office. Ayon sa abogado, natauhan ito sa paghimok sa kanya na kumandidato ng mga MILF commanders sa SGA upang mapalawak pa nito ang pagtulong sa mga BIAF Members na may mga kasong nakabinbin pa sa ngayon.
Layunin aniya ni Hassan ang mga scholarships para sa mga kabataang Bangsamoro, pagtutok sa kapayapaan at tuluyang pagtuldok sa mga rido na nagaganap sa SGA-BARMM.