‎Mariing itinanggi ni Rep. Zia Alonto Adiong ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa alegasyon na may 18 Marines umanong nagdala ng maletang pera, at tinawag itong “complete bullshit.”

‎Ayon kay Adiong, dapat umanong suriin ang timeline at timing ng paglabas ng alegasyon kasabay ng confirmation of charges sa International Criminal Court at ang pagtalakay sa impeachment complaint laban sa Bise Presidente sa House Justice Committee.

‎Iginiit ng kongresista na tila may “automatic na response” ang ilang kampo upang i-divert ang atensyon kapag may kinakaharap umanong isyu.

‎Sinabi rin niya na ang alegasyon ay nakabatay lamang sa isang unsigned affidavit at sa salaysay ng mga indibidwal na dishonorably discharged umano.

‎Dagdag pa ni Adiong, hindi umano niya kilala ang mga pangalang sangkot sa affidavit at wala siyang kinalaman sa paratang.