Mainit na sinalubong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Major General Stephen Logan, Adjutant General ng Hawaii National Guard, sa isang courtesy visit na pinangunahan ni LtGen Rey B. Alemania, Deputy Chief of Staff for Logistics, J4.

Tampok sa nasabing pagbisita ang talakayan hinggil sa Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR), na nagbigay-diin sa layunin ng dalawang puwersa na palakasin ang kanilang ugnayan, pagbutihin ang kakayahan sa pagtugon sa kalamidad, at lalo pang patatagin ang matagal nang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Pinagtitibay ng pagdalaw na ito ang matibay na ugnayang pangdepensa ng AFP at U.S. National Guard, lalo na sa ilalim ng State Partnership Program na patuloy na nagsusulong ng seguridad sa rehiyon at kahandaan sa mga sakuna.